Monday, September 28, 2015

Eric Nicolas, well-deserved winner sa Your Face…2!

Yung panalo ni Eric Nicolas sa unang round ng You’re Face Sounds Familiar 2 is a well-deserved one.
Kalurkey talaga ang performance niya bilang si Willie Revillame na kung mas naging maayos pa lalo ‘yung make-up niya, sasabihin mong si Willie na nga ang nasa harapan mo.
Effort kung effort talaga ang ginawa niya at talaga namang pinag-aralan niya ang kanyang ginawa, at suwabe niyang ginaya ang kapwa komedyante.
Nakatulong din ang pagiging emos­yonal ng kanyang misis na nasa audience para mas lumakas ang kanyang impact sa judges at mga tao.
Halatang proud na proud ito at ninerbiyos para sa kanya.
‘Yun na nga, si Eric ang nanalo hands-down pero sana ma-sustain niya ito hanggang sa grand finals.
Remember, sa unang season ay si Jay-R ang may pinakamaraming panalo sa weekly competition, pero at the end si Melai Cantiveros ang nagwagi.
Magagaling din ang ibang huling contestants tulad ni Kean Cipriano bilang isa sa One Direction, Denise Laurel bilang si J.Lo, pero iba talaga si ‘Willie Revillame’.
Anyway, mahaba pa ang pisi, noh!  So, ang dami pang chance ng iba, to prove their worth. - From abante.com.ph

No comments:

Post a Comment